Wednesday, February 18, 2009

Talong

Anak: Mommy, hayop po ba ang talong?
Mommy: Di yun hayop anak, gulay yon. Bakit mo naman naitanong?
Anak: Sabi kasi ni yaya kay dad: "Hayop ang talong mo kuya, anlaki!"

Layasan

Misis: Hindi ko na kaya 'to! Araw-araw na lang tayong nag-aaway Mabuti
pa, umalis na ako sa bahay na 'to!
Mister: Ako rin, sawang-sawa na! Away rito, away roon! Mabuti pa
siguro, sumama na ako sa 'yo!

Basketbolan

Gustong malaman ng magkaibigan kung may basketbolan sa langit.
Nagkasundo sila na kung sino ang unang mamatay ay babalik upang
sabihin kung may basketbol sa langit.
Naunang namatay si Tado.
Isang gabi, may narinig na boses si Rodelio na parang kay Dado.
'Ikaw ba 'yan, Tado?' usisa ni Rodelio.
'Oo naman!' tugon ni Tado.
'Parang hindi totoo!' bulalas ni Rodelio. 'O, ano, meron bang basketbol
sa langit?'
Sagot ni Tado, 'May maganda at masama akong balita sa 'yo.
Ang maganda, may basketbol doon.
Ang masama... kasali ka sa makakalaban namin bukas!'

Yabangan

Usapan ng dalawang mayabang....
Tomas: Ang galing ng aso ko!
Tuwing umaga, dala niya ang dyaryo sa akin.
Diego: Alam ko.
Tomas: Ha? Paano mo nalaman?
Diego: Ikinukuwento sa akin ng aso ko.

This entry was posted in

Featured Post

Why Americans Should Never Be Allowed To Travel

The following are actual stories provided by travel agents: 1. I had someone ask for an aisle seats so that his or her hair...