Thursday, February 26, 2009

Madamdaming Sulat

Dear Anak,
Nagpadala na ako ng PhP50,000 pang tuition mo.
Ipinagbili namin ang kalabaw natin.
Ang mahal pala ng counterstrike na kurso.
Wala na rin pala tayong baboy,
naipagbili na rin namin para
sa sinabi mong project na iPhone,
ang mahal ng project mo anak!
Kasama din don ang PhP7,000 para
sa field trip mo sa Mall of Asia,
malayo ba yun, anak? Bakit mahal din?
Isasanla pa namin ang palayan para
mabili mo yong instrumentong Ipod Touch at PSP.
Napailaw nyo na ba yong pinagpupuyatan nyong
San Mig Light?
Sana anak makagraduate ka?

Nagmamahal,
Inay

First Girl

Magsyota sa motel.
BF: Alam mo love, ikaw ang first girl na dinala ko dito.
GF: Sinungaling. Sabi nila lagi ka dito!
BF: Oo, pero ikaw lang talaga ang girl!

Virgin Pa

Diane: Mare, kulang pa kami ng isang miyembro.
Baka gusto mong sumali sa paluwagan.
Zoraida : Hindi pa ako pwede, mare!
Diane: Bakit mare?
Zoraida: Virgin pa kasi ako.

Sampung Utos

Anak: Inay, ano po ba 'yong 10 commandments?
Nanay: 'Yon yung sampung utos ng Diyos.
Anak: Mas makapangyarihan pa po pala kayo sa Diyos eh!
Nanay: Bakit naman?
Anak: Ang dami niyong utos, eh!

Bansa

Anong BANSA Walang Pangit? UGANDA.
Anong bansa ang di Sikat? LAOS.
Anong bansa ang Handicap? CUBA.
Anong bansa ang Madulas? GREECE.
Anong bansa ang Maanghang? CHILE.
Anong bansa ang di sa yo? KENYA.

Featured Post

Why Americans Should Never Be Allowed To Travel

The following are actual stories provided by travel agents: 1. I had someone ask for an aisle seats so that his or her hair...