Saturday, August 7, 2010

Ano daw?

Mga Holidays...
Q: ano ang holiday para sa mga nanay?
A: mothers day
Q: ano ang holiday para sa mga tatay?
A: fathers day
Q: ano naman ang tawag sa holiday ng mga buntis?
A: e di, labor day!
Q: ano ang tawag sa holiday para sa mga binata?
A: Palm sunday!!!

Misis
Q: Bakit mas matataba ang mga may asawang lalaki kaysa sa mga walang asawang lalaki?

A: Kasi ang mga walang asawang lalaki, pag-uwi, titingnan ang laman ng ref niya at kapag walang nakita, humihiga na lang sa kama para matulog. Ang may asawa, pag-uwi, titingnan ang kama at makikita ang misis nila, pumupunta na lang sa kusina para buksan ang ref nila.

Q: Ano ang pinagkaiba ng lalaking tumataya sa lotto at ang lalaking nakikipag-away sa misis niya.

A: Mas malaki ang tsansa ng lalaking manalo sa lotto kaysa sa pakikipag-away sa misis niya.

Satanas
Q: Ano ang sinabi ni Satanas nang ipanganak AKO?

A: “Lintek! Isa na namang anghel ang ipinanganak.”

Q: Ano naman ang sinabi niya nang ipanganak KA?

A: “Oh, no! Hindi puwede ito! Ayoko pang mag-retire!”

Fish
Q: Ano ang sabi ng bangus nang mamamatay na siya?

A: I’m daing!

Q: Ano ang sabi ng isda nang hiwain siya sa gitna?

A: I’m tuna (two na).

Insurance
Q: Ano ang pagkakatulad ng sex at life insurance?

A: Habang tumatanda ka, tumataas ang presyo.

0 comments:

Featured Post

Why Americans Should Never Be Allowed To Travel

The following are actual stories provided by travel agents: 1. I had someone ask for an aisle seats so that his or her hair...